Halos araw araw na trending sa mga social network site. Pati sa Newsfeed ko araw araw ko ding nakikita at nababasa. Kaya pati ako nagkaron ng interes tingnan, basahin at abangan ang mga post nya. (Hiro Mallari).
Para sa aking opinyon.
Lahat naman ng taong nawalan ng mahal sa buhay siguradong mararamdaman ang katulad ng naramdaman ni Hiro. Malulungkot, umiiyak, yung feeling na akala mo hindi mo na kaya mabuhay. PERO anong pinag kaiba ni Hiro sa ibang Boyfriend na namatayan ng girl friend? Anong pinag kaiba nya sa ibang tao na nalungkot, umiyak para sa taong nawala sa kanila? Hindi ba't pareho lang ng mga naging emosyon?. Masyado lang pinaingay ang pangalan ni Hiro.
Nakita ko sa mga post kung gaano ka-sweet si Hiro kay Mitch, kung gaano nya pinapakita ang pagmamahal nya. Nasabi ko pa nga na "ang swerte naman ng girlfriend nya".
Na may lalake pa palang ganyan mag effort. Pero ano na bang napatunayan ng relasyon nila para ipalabas pa sa MMK? Sapat na ba yung lungkot at pag iyak ni Hiro sa pagkamatay ni Mitch para masabing napatunayan na nila ang FOREVER??
#justsaying
Posted via Blogaway

No comments:
Post a Comment